今日の当協会の出来事
新潟フィリピン協会のスティーブンソン・アロソ会長と上野純一会計係は、小林誠県議会議員、笠原春彦議員、大平一貴議員の3名とのパネルディスカッションに出席しました。 県義会議員らは、新潟県の外交、労働、外国人支援を担当する各委員会の委員長です。ネパールコミュニティ団体協会のスナール・ディパク会長、新潟県警察署の国際運転免許証担当、元新潟県国際交流協会課長、元県議会議員らも出席した。 現在新潟在住外国人に対する新潟県庁政府のさまざまな支援パイプラインを改善する方法について情報やアイデアを共有しました。 来月下旬に大平県会議員によって最初の報告書がこのシンクタンクグループに提出される予定です。
ISANG KAGANAPAN NG INYONG SAMAHAN SA ARAW NA ITO
Ang Pinuno ng Niigata Philippine Society 新潟フィリピン協会 (フィリピン総領事館認定団体協会) Stevenson Alloso at Treasurer Ueno Junichi ay dumalo sa isang talakayan kasama ang tatlong (3) Kagawad ng Asemblya ng Lalawigan ng Niigata na sina MP Kobayashi Makoto, MP Kashara Haruhiko, at MP Odaira Kazutaka. Sila ay mga Pinuno ng iba't ibang mga Komite na humahawak sa relasyong panlabas, paggawa at suporta para sa mga dayuhang residente dito sa Lalawigan ng Niigata. Dumalo rin ang Pinuno ng Nepalese Community Association Dipak Sunar, kinatawan nga polisya ng Lalawigan ng Niigata ukol sa driver's license para sa mga dayuhan, ang dating Hepe ng Niigata International Association, at isang dating Kagawad ng Asemblya ng Lalawigan ng Niigata. Nagbahagi ng impormasyon at kuro-kuro kung papaano pagbutihin ang iba't ibang mga serbisyo at suporta mula sa Pamahalaan ng Lalawigan ng Niigata para sa mga dayuhang residente na kasalukuyang naninirahan dito sa Niigata. Isang paunang ulat ang isusumite sa Think Tank Group na ito ni MP Odaira sa susunod na buwan.
Comments