top of page
Search
niigataphilippines

Bangon! ISHIKAWA Charity Event

Updated: Mar 1

25 Febrero 2024, Bayan ng Tagami, Lalawigan ng Niigata

1:00 - 4:00 ng hapon


Ang inyong Niigata Philippine Society (NPS), sa pakikipagtulungan sa World Friendship Network (WFN) at Julia's English Conversation School, na may buong pagtaguyod mula sa Consulate General of the Philippines sa Nagoya at sa Filipino Community ng Central Japan (FCCJ) ay nag-organisa ng BANGON! ISHIKAWA - isang Charity Event para sa mga biktima ng lindol sa Noto Peninsula noong Enero 1, 2024 dito sa bansang Hapon. Maraming mga tao ang dumalo upang tangkilikin ang kaganapan. Hindi lamang mga Pinoy kundi kasama ang mga Hapon na mga performers ang nagpasaya sa mga manonood. Ang lahat ng kinita ng Charity Event na ito ay pupunta sa Consulate General of the Philippines sa Nagoya na siya namang bibili ng pagkain, kumot at iba pang pangangailangan at dadalhin sa Lalawigan ng Ishikawa sa ilalim ng isang espesyal na relief mission.

Mula sa inyong Niigata Philippine Society, maraming maraming salamat muli, sa ating lahat at sa lahat ng naglaan ng panahon at pagsisikap upang maging matagumpay ang kaganapang ito!







28 views0 comments

댓글


bottom of page